Friday 16 September 2011

...the deleted one...

Untitled

Hindi ko naman sinasadya., hindi ko lang talaga namalayan na unti-unti na pala akong nagkakaroon ng mas malalim na pagtingin sa iyo., unti unti na akong nakakain ng kung anu man itong nararamdaman ko ngayon.,

Ilang araw na rin akong ganito., di ko alam kung tama ba ung mga nararamdaman ko para sayo., alam kong mali ang umasa ako sa isang panaginip lang, pero pare-pareho lang naman tayong tao., na nangangarap at may mga pinapangarap., imposible man ang mga ito libre naman at walang pumipigil sa akin.,

May mga maliliit na bagay ang ginagawa mo na nakapagpapatalon sa puso ko., hindi ko man iyon maipakita, ramdam na ramdam ko naman ang bawat sandali na magkasama tayo ay labis na kasiyahan ang nararamdaman ko., hindi ako umaasa na may mas malalim pang mamagitan sa atin sapagkat matagal ko ng tinanggap na kung anu man ang meron sa atin ngayon ay hanggang doon na lang ito., wala ng lalabis pa sa pinapakita mo sa aking kabaitan., kung anu man itong nararamdaman ko ay sasarilihin ko na lang., walang ibang makakaalam ng buo kong nararamdaman sa araw araw bukod sa natatago kong kwaderno kung saan nakalahad ang lahat ng mga nais kong sabihin sayo., Mga bagay na kung mababasa mo man ay alam kong may magbabago., mga bagay na tanging ako at ang kwadernong ito lang ang nakakaalam.,

Imposible ang pangarap ko at ikaw yun., imposible sa mga paraang hindi kayang ipaliwanag ng kung sino man ang makakaalam.,

Nahihirapan ako sa ganitong nangyayari., natatakot akong maging mas malapit tayo., takot ako sa mga maaring mangyari., ayokong may magbago., pero alam kong kapag hindi ko pa nilayo ung sarili ko sayo baka masobrahan na ako sa pagkahulog at hindi ko na maiangat pa ang sarili ko., gusto kong lumayo pero hindi ko kaya., mahirap kasi malapit tayo sa isa't isa., mahirap kasi malaki ang posibilidad na ikaw ang lumayo., bakit ba kasi ako naging ganito?., bakit sa katulad mo pa ako nahulog., hindi ko alam kung na ang gagawin ko., kung lalayo ako o hahayaan ko na lang muna to., niloloko ko na ung sarili ko., niloloko ko ung sarili ko na iba ung gusto ko.,

Anu ba kasalanan ko at ganito ung nararamdaman ko?., anu ba nagawa ko para pahirapan ako ng ganito?., mali ba ako?., hindi ko naman to ginusto., hindi ako ang pumili nito., ni wala namang pagpipilian na ibinigay sa akin., wala., mahirap., sobra.,

sa ngayon ito nanaman ako at nakatitig sa aking kwaderno at unti unting naglalabas ng mga saloobing hinding hindi ko naman masasabi at mailalabas ng harapan.,

Thursday 15 September 2011

Dear You...(Sana Bukas)

Nais na kitang kalimutan., nais ko nang lumaya sa pagkakakulong sa nararamdaman kong ito., hindi ko man nasabi sa iyo pero kailangan ko nang tapusin ang kung anu man ang para sa akin ay isang malaking pangarap.,

isang malaking pangarap na paulit ulit ko na lang ginagawa., isang malaking kamalian na ang tanging paraan lang para maitama ay ang paglayo., hindi ko man kayanin sa pisikal na aspeto kailangan ko naman itong kimkimin sa aking isipan at kalooban.,

sinu nga ba naman ako para sa iyo?., hindi ako isang malaking kawalan sa buhay mo kung magpakalayo layo ako., pero hindi ko kaya., ikaw ang taong sabay na nagagawa ang ako'y paligayahin at saktan., saktan sa paraang ako lamang ang nakakaalam.,

oo hindi mo nga alam na nakakasakit ka., pero hindi mo talaga ito kasalanan., hindi ikaw ang may kasalanan kung hindi ako dahil hinyaan ko ang aking sarili na damhin ang lahat., ako ang mali sa aspetong ito dahil umasa ako., umasa sa isang malaking kahibangan.,

nabuhay ako sa aking sariling mundo., isang mundong puno ng pangarap na tanging sa ilusyong mundo ko lang kayang makamtan.,  hindi man halata sa aking kilos pero may mga bagay na talagang hindi ko maiwasang masaktan., hindi ako galit., dahil wala akong karapatang magalit., wala ako sa lugar para magalit sa isang taong walang kaalam alam sa mga bagay bagay.,

sa sarili ko lang ako dapat magalit dahil nandirito nanaman ako., nandirito nanaman ako sa isang sitwasyon kung saan ako ang talo., parating ako ang talo sa dulo't dulo.,

pero sana...sana...sana bukas o sa isang araw matuto na ako., matuto sa paulit-ulit kong pagkakamaling ito...

-J

Monday 5 September 2011

my hands are up...let me just give up...

My hands are up! I'm giving it up!., I don't want this no more.,I guess its time that I move forward and forget everything., The feeling that I have been trying to deal with for quite a long time now.,

This time i'll let it go before this makes an even bigger mark in my life., i have always been like this., feeling something for someone but never had the guts to tell them how I feel., and then finally realizing that what I want is something that that person can't give back.,

I know not even trying to tell that person what I feel is part of the long list of mistakes I keep on doing but what can I do when I am afraid that that same fact keeps me and that person together., hiding these feelings for this person keeps us what we are and what we will always be.,

Now I am choosing what I will win and what I will lose., I am taking chances eventhough i'll feel pain., I don't want to stand by the side and watch my life pass me by.,

"So what if it hurts me, so what if I break down, so what if the world just throws me off the edge my runs out of ground....I just want to be happy" :P