Nais na kitang kalimutan., nais ko nang lumaya sa pagkakakulong sa nararamdaman kong ito., hindi ko man nasabi sa iyo pero kailangan ko nang tapusin ang kung anu man ang para sa akin ay isang malaking pangarap.,
isang malaking pangarap na paulit ulit ko na lang ginagawa., isang malaking kamalian na ang tanging paraan lang para maitama ay ang paglayo., hindi ko man kayanin sa pisikal na aspeto kailangan ko naman itong kimkimin sa aking isipan at kalooban.,
sinu nga ba naman ako para sa iyo?., hindi ako isang malaking kawalan sa buhay mo kung magpakalayo layo ako., pero hindi ko kaya., ikaw ang taong sabay na nagagawa ang ako'y paligayahin at saktan., saktan sa paraang ako lamang ang nakakaalam.,
oo hindi mo nga alam na nakakasakit ka., pero hindi mo talaga ito kasalanan., hindi ikaw ang may kasalanan kung hindi ako dahil hinyaan ko ang aking sarili na damhin ang lahat., ako ang mali sa aspetong ito dahil umasa ako., umasa sa isang malaking kahibangan.,
nabuhay ako sa aking sariling mundo., isang mundong puno ng pangarap na tanging sa ilusyong mundo ko lang kayang makamtan., hindi man halata sa aking kilos pero may mga bagay na talagang hindi ko maiwasang masaktan., hindi ako galit., dahil wala akong karapatang magalit., wala ako sa lugar para magalit sa isang taong walang kaalam alam sa mga bagay bagay.,
sa sarili ko lang ako dapat magalit dahil nandirito nanaman ako., nandirito nanaman ako sa isang sitwasyon kung saan ako ang talo., parating ako ang talo sa dulo't dulo.,
pero sana...sana...sana bukas o sa isang araw matuto na ako., matuto sa paulit-ulit kong pagkakamaling ito...
-J
No comments:
Post a Comment