Haayyyy....sa tinagal tagal na panahon eh nasimulan ko na ulit itong pagsusulat dito., marami na ang nangyari simula nung naging iba ang mundong ginagalawan ko., maraming nagbago., may mga nawala., may mga dumaan., may mag dumating., merong mga nagpaalam., merong mga andyan pa rin., may paparating., at kung anu ano pang mga bagay bagay., buti na lang kinakaya ko pa itong mga ito.,
Kung sa bagay ibang tao na nga naman ako ngayun., hindi na ako ung tulad ng dati na panay ka-emo-han lang ang nalalaman sa bawat araw na ginawa., ahehehe., sa totoo lang meron pa rin namang parte sa akin na malungkot pero natatabunan na yun ng mga bagay na alam kong higit na importante., ahehehe.,
BUHAY --- tungkol sa buhay buhay ko., sa totoo lang ganun pa rin naman sya., pero ngayon mas matino na akong mag-isip ng tungkol sa mga bagay bagay., i mean, mas matured na ako kumpara sa dati kong sarili., naiisip ko na ngayon na hindi lang sa akin umiikot ang mundong ginagalawan ko., may mga taong mas matindi pa ang pinag-dadaanan kumpara sa mga napagdadaanan ko., hehe., siguro nga sa edad kong ito eh nararapat lang na mas maging mature na ako mag-isip., hehehe.,
PANGARAP --- hehehe., mataas pa rin ako mangarap hanggang sa ngayun., sino ba ang hindi., bukod sa libre eh masarap pa ang feeling kapag nangangarap ka dahil abot mo lahat., ahehehe., sa ngayon alam kong hindi ko pa kayang marating ung mga pangarap na yun pero balang araw eh makakahanap ako ng paraan para marating ko yun., alam kong hindi sa lahat ng oras eh magiging madali ang pag-abot ko sa mga yun pero alam ko rin naman sa sarili ko nakakayanin ko rin yun balang araw., tutal nagsisimula pa lang naman ako, so matagal tagal na panahon pa ang bubunuin ko., sa ngayon ok na muna ako dito kung nasan ako., hindi ko naman sinasabing mag-se-settle na lang ako sa kung anu ang nandyan, ang gusto ko lang is ung tipong alam kong handa na akong sumabak sa kung anu man ang haharapin ko bago ako magsimula.,
RESPONSIBILIDAD --- ito ang mahirap dito eh., hindi ko kasi kayang i-evaluate ang sarili ko sa kung responsable ba ako o hindi., basta ang alam ko lang eh saktong responsible lang ako., tamad nga kasi ako., ayoko ring pagmukhain ung sarili kong bida sa aspetong ito kaya pass tayo dito., ahehehe.,
KAIBIGAN --- sabi ko nga dati., parang hindi ko kakayanin na mabuhay na walang kaibigan., hindi ako sure kung isang araw malaman ko na lang na wala na pala akong mga kaibigan., lalo na kung malaman nila ang mundong ginagalawan ko., pero ngayon...alam na alam ko na marami akong kaibigan., maraming marami., hindi ko man sila nakakasama ng madalas alam kong nandyan lang sila., makakausap., makakaramay., (ayan nagiging drama na...)., pero sa totoo lang hindi ko inakalang mapapapasok ko sila sa isang mundong gawa ko., sa mundong ako lang dati ang nakapaloob., tinanggap nila ang mundo ko tulad ng pagtanggap ko sa mundo nila., kung baga sa Venn Diagram merong mga parts na talagang mag-o-over lap., hehehe., sa tinagal ng panahon marami na ang nagpaalam., merong mga nakaka-alala pa rin at meron din naman mga hindi na., hehehe., kilala nyo na kung sinu kayo., merong mga dumating na bago na kahit alam kong mas nakaka-angat sila sa akin eh alam kong hindi nila tinitignan kung nasaang posisyon ako.,
PAG-IBIG --- (lablayp) kung baga., ito ung pinaka-masaklap na parte eh., pero siguro sa ngayun hindi ko na to pinapansin., mas busy ako sa pagpapatakbo ng buhay ko bilang single., sa ngayon nasasabi ko sa sarili ko na mas masaya ako., kahit na paminsan minsan eh makikita mo akong nagmumuni muni sa kawalan., hehehe., hindi mo naman kasi maalis sa isang tao na umasa., umasang mayroong nakalaan para sa kanya., hehehe., ito drama na naman., hehehe.,
No comments:
Post a Comment