Sunday 24 July 2011

...Dear You..

Dear You,

Ito ako ngayon at litong lito sa mga nararamdaman ko sa bawat pagdaan ng araw., hindi rin naman kita masisi sa kung anu man ito dahil may kasalanan din naman ako.,

Kasalanan kong hinayaan ko ang sarili ko na madama ito, ng hindi ko man lang itinanong muna kung kaya ko ba?., hindi ko man lang naisip na paulit ulit na lang ako sa bagay na ito., ni hindi ko man lang naconsider na ako nanaman ang aasa at masasaktan pagdating ng araw.,

sabihin ko man na hindi ko inaasam na humigit pa ang kung ano man ang meron sa atin eh hindi ko rin naman maloloko ang sarili ko tungkol sa kung anu man ang nararamdaman ko para sayo.,

kung minsan gusto ko na lang sabihin sayo na sana dumating ang isang araw na ako na rin ang nilalaman ng isip at puso mo., pero naiisip ko na mas malaki pa rin ang posibilidad na ang pangarap ko ay isang malaking pangarap na lang, wala na itong patutunguhan kung hindi ang dahan dahan kong tanggapin na ang bawat taong mamahalin ko ay hindi maaring ibalik ang kung anu man ang ibinibigay ko.,

hindi ko sinasabi sa iyo na suklian mo ang kung anu man ang nararamdaman ko para sayo dahil una sa lahat hindi mo naman ito obligasyon at higit sa lahat hindi naman ikaw ang nagsabi sa akin na damhin ko ang nararamdaman ko.,

oo magulo ako sa mga bagay bagay pagdating sa puso kasi hindi ko pa alam kung papaano magkaroon ng isang taong mahal ako at ipinapadama nya ito sa akin ng walang pag-aalinlangan., magulo ako sa kadahilanang hindi ko pa alam kung paano ang ibigin., magulo ako sa kadahilanang
hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nahuhulog ng ganito sa isang tao na kahit alam kong aasa lang ako at masasaktan.,

patuloy pa rin ako sa ganitong sitwasyon., ilang beses man akong nasaktan ay ito pa rin ako bumabalik nanaman sa simula., balik sa kung saan man nagsisimula ang unti unting paglaki ng butas nitong aking puso.,

sabihin ko man sa aking sarili na isang araw may darating din na para sa akin ay hindi ko na maitatago ang kakulangan na aking ninanais nang punan., wala ngang nagsabi na magiging madali ang lahat., pero wala rin namang nagsabi na ganito kahirap ang ganito.,

-Jhay

No comments:

Post a Comment