Ito ako ngayon nakaupo sa isang sulok ng kwarto at nakatingin sa kanya habang mahimbing siyang natutulog sa aking tabi. Pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha. Isang maamong mukha na nakapagpabago ng lahat sa isang iglap lang.
Naaalala ko pa ang mga nangyari...
Matagal tagal na panahon na rin kaming hindi nagkikitang magkakabarkada. Ilang taon na kaming di nagkakasama-sama para magkwentuhan at mag-asaran.
Sinama kita papunta sa bahay ng isa kong kaibigan kung saan kami magkikita kitang magbabarkada. Niyaya kita na sumama at laking gulat ko ng madali ko kitang napapayag na ako'y samahan.
Nasa byahe tayong dalawa papunta sa aking kaibigan ng matanong ka kung bakit ikaw ang aking niyaya. Isang simpleng sagot lang ang narinig mo sa akin. "Wala lang...". Isang ngiti lang ang namutawi sa iyong mukha.
Pagdating na pagdating natin sa bahay ng aking kaibigan ay pumasok na kami agad at naupo sa kanilang sofa. Hinugot nya ang kanyang cellphone at nagtext. Alam ko kung sinu ang kanyang kausap. Ang kanyang kasintahan.
Dumating na rin ang aking mga kaibigan at nagsimula na kaming magkulitan. Ipinakilala kita sa kanilang lahat at mabilis namang naging palagay ang loob nila sa iyo. Mabuti na rin iyon para hindi ka naman ma OP. Kwentuhan, asaran, kulitan, at kung anu anu pang kabulastugan nanaman ang ginawa naming magkakaibigan.
Sinimulan na rin ang inuman. Dahan dahang itinatagay ang isang maliit na baso na may lamang alak. Unti unti ng kinain ng espiritu ng alak ang ating mga kamuwangan. Mas naging maingay at makukulit tayong lahat. Nawala ang mga hiya. Naging maingay at magulo ang lahat.
Di naman ako malakas uminom kaya't ilang ikot ng mga tagay ay may tama na ako. Itinigil ko ang pag inom dahil alam kong di ko kakayanin kapag tumuloy pa ako. Para mawala ng kaunti ang aking tama nagprisinta akong lumabas para bumili ng mapupulutan. Mejo natagalan kami ng isa ko pang kaibigan dahil medyo nalibang kami sa pagkwekwentuhan
Mas naging maingay na kayo ng aking mga kaibigan ng kami'y makabalik hindi ko alam kung bakit pero natuwa rin ako sa aking mga nakikita. Ramdam ko na malapit na kayo sa isa't isa. Parang isa ka na rin sa amin.
Hindi ko na pinoproblema kung makakasabay ka sa akin dahil alam kong isa ka na rin sa amin.
Nagtungo ako sa kusina para ayusin ang aming mga binili. Naunang lumabas sa akin ang kaibigan ko at ako na lang ang mag-isang naiwan. Dahil sa ayaw ko ng uminom at alam kong may mga tama na kayo nagpasya akong maghilamos upang mahimasmasan ng kahit kaunti.
Masaya ako dahil nakasama kita dito sa okasyong ito. Masaya ako at nakilala mo ang mga kaibigan ko. Masaya ako, tapos.
Paglabas ko ng kusina ikaw ang una kong napansin. Tumayo ka sa kinauupuan mo at lumapit sa akin. Bumulong ka sa akin at sinabing "I'm Sorry...". Natigilan ako sa iyong ginawa. Nanlamig ang buo kong katawan. Di ako makagalaw. Anu ang ibig sabihin ng iyong ginawa? Ano ang kahulugan non sa akin? Sa atin?
Wala akong nagawa. Ni hindi ko man lang napigilan ka sa ginawa mo. Ni hindi ko man lang alam kung anu ang magiging reaksyon ko. Natapos ang ilang sigundo ay umalis ka na sa harapan ko. Natapos ang ilang segundo na hindi ko man lang maintindihan kung anu ang nangyari.
Bumalik ako sa kinauupuan ko na magulo pa rin ang isip. Biglang nagsalita ang isa ko pang kaibigan. "Bakit ka namumula?. Dahil ba hinalikan ka nya? Hehehehehe...". Biglang turo sa iyo. Biglang sabat naman ng isa pa na "O tuloy na natin ung game... o sinu na next?"
Madaling araw na ng matapos ang kasiyahan kaya't nagpasya na lang ang lahat na doon na lang matulog. Nasa terrace akong mag-isa at naka-upo. Iniisip ang mga nagyari kanina.
Umupo ka sa aking tabi at binangga mo ang aking siko. "Anung meron? Seryoso ka ata?". Ang sabi ko nama'y "Wala lang".
"Ah ganun ba? Sorry kanina ha?".
"Wala lang yun sa akin. Pero bakit ka pumayag? At saka..."
Di ka na nakasagot sa tanong kong iyon. Nasandal na ang ulo mo sa aking balikat at ikaw mahimbing nang nakatulog. Di mo na maririnig ang mga nasabi ko...
"sana di mo na ginawa yun. Lalo lang akong nalito sa kung ano man itong nararamdaman ko para sayo. Alam kong mali ito pero di ko to kayang pigilan. mali ba ako?...hindi ko naman to ginusto eh., hindi ako ang pumili nito...ni wala ngang choice na binigay sa akin eh...wala...mahirap...sobra...may ibig sabihin ba iyong halik na yun?...bakit ka ba kasi pumayag sa hamon nila?...bakit?..."
...
Ito ako ngayon nakaupo sa isang sulok ng kwarto at nakatingin sa kanya habang mahimbing siyang natutulog sa aking tabi. Pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha. Isang maamong mukha na nakapagpabago ng lahat sa isang iglap lang.